Abante Tonite Interactive

Indian business group: 5-6 gawing ligal

273

Hiniling ng grupo ng mga negosyanteng Indian national na gawing ligal ang 5-6 na sistema ng pautang sa bansa para mabigyang benepisyo ang maliliit na negosyante.

“This way you bring them above ground. They’re paying taxes and to us, this will benefit the Filipino consumers, Filipino small businesses,” ayon kay Rex Daryanani, presidente ng Federation of Indian Chambers of Commerce Philippines sa panayam ng ANC.

Tinukoy ni Daryani na may 30,000 Indian nationa­l sa Pilipinas ang nagsasagawa ng 5-6 at mayroon umanong tinatayang P30 bilyong kabuuang puhunan.

Giit ng opisyal, nais ng mga Indian national na maging ligal na sa bansa ang 5-6.

Matatandaan noong 2016 ay nagpahayag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng pagtutol sa sistema ng 5-6 dahil sa mataas na interest na nagpapalubog sa mga negosyanteng Pilipino.

Pero paliwanag ni Daryani, nag-iba na ang paraan ng pagpapautang na 5-6. Ngayon aniya imbes na dapat mabayaran sa loob ng isang linggo ang utang ay pinahaba na ito ang panahon ng pagbabayad sa loob ng apat na buwan at mayroong limang posyentong interest kada buwan.