Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Indian national dinakma sa shabu

0 131

Mahigit sa P600,000 halaga ng shabu ang sinasabing nasamsam mula sa isang Indian national at mga kasama­han niya sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Cavite kamakalawa.

Kinilala ang mga inaresto na sina Nanun Singh, 29-anyos, Indian national; Conrado Luy, 47; Marjorie Estupin, 31, online seller; Ernesto Bacojo, 46; pawang mga residente ng Bacoor City, Cavite; Denmar Angelo Monet, 25, at Berlyn Rose Santos, 18, kapwa residente ng Cavite City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Po­lice, dakong alas-11:15, kamakalawa ng gabi, nang magsagawa ng buy-bust sa Barangay Molino 2, Bacoor City kung saan naaresto ang grupo ni Singh at nakuha umano ang tinatayang 60 gramo ng shabu na may street value na P408,000.

Isa pang operasyon ang ikinasa ng Cavite City Police dakong alas-5:20, kamakalawa ng hapon, sa Barangay 8, Cavite City na nagresulta sa pagkakadakip nina Monet at Santos. Sina­sabing narekober ang 41.1 gramo ng hinihi­nalang shabu na may street value na P279,480 o kabuuang P687,480 sa dalawang buy-bust operation. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.