Abante Tonite Interactive

Indie film pinaboran sa MMFF

By ,
5

Mas binigyan ng pagkakataon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga Indie film na makapasok at makalahok para sa ­taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) upang makilala ito ng publiko lalo na ng mga manonood ng pelikulang Pilipino.

Ito ang sagot kahapon ni MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos kaugnay ng umano’y naganap na bangayan sa pagitan ng ilang producer ng Commercial Film, ilang artista ng Indie Film at MMFF.

Ani Orbos kanyang iginagalang ang naging hakbangin ng screening committee ng MMFF, na karamihan sa inaprubahan at nakalahok na pelikula ay mga Indie film.