Abante Tonite Interactive

Indigenous sports ipoprograma na rin

By
651

Aatensiyonan na rin ang Indigenous sports ni Philippine Sports Commission chief William Ramirez sa pahayag niya kamakalawa sa simula ng PSC Directional Meeting sa pagsasagawa ng Indigenous Games kapuluan ng bansa ngayong taon.

Iminungkahi ni Commissioner Charles Raymond Maxey, ang oversight commissioner sa Indigenous Games ang pag-institusyon sa programa ng ahensiya sa pagsama na rin sa plano’t pondo kada taon ng ahensiya.

At agad namang pinagtibay ng PSC Board of Commissioners kasama nina Ramirez at Maxey sina Commissioners Fatima Celia Hicarte Kiram, Ramon Fernandez at Arnold Agustin.

“The law mandates us to nurture our culture.  This is a perfect way to merge sports and culture,” esplika ni Ramirez.

Hinalimbawa ni Ramirez sina Mona Sulaiman, na tubong Cotabato at sumikat sa athletics sa dekada 60, Olympian swimmer Bana Sailani – ang Badjao na naka-bronze medal sa tatlong Asian Games, Igorot wrestler Jason Balabal na Southeast Asian Games gold medalist na mga athlete achiever na buhat sa indigenous groups.

Gaganapin ang unang Indigenous Games 2018 sa Mindanao sa first quarter ng taon. Sunod ang sa Visayas at Luzon sa parating na quarters.

Hinirit ni Maxey na layunin ng IG na mapasigla ang mayamang kultura ng indigenous people at maprotektahan ang kanilang traditional sports at games.

Nagdaos na rin ang PSC sa pamamagitan ng tanggapan ni Comm. Kiram ng Indigenous Games noong isang taon sa Ifugao bilang bahagi ng gender equality program ng komisyunado.