Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Indonesia, Malaysia pinasasama sa travel ban

0 83

Inirekomenda kay Pangulong Rodrig Duterte na isama sa travel ban ang Indonesia at Malaysia dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga nasabing bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hinihintay na lamang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte hinggil dito.

“Ang makukumpirma ko lang po ay mayroon ng rekomendasyon ang IATF at hinihintay lang po natin ang desisyon ng ating Presidente,” ani Roque.

Sa kasalukuyan ay nakataas ang travel ban sa mga bansang Pakistan, Oman, United Arab Emirates, Bangladesh, Sri Lanka at Nepal. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.