Abante Tonite Interactive

Indonesian Airen ni Lee Seung Gi sumaklolo sa biktima ng lindol

By
323

tonite-annyeong-rose-garciaIbang klase rin talaga­ ang mga tagahanga­ ng karamihang Korean­ stars. Sila mismo sa kanilang fans club ay gumagawa ng mga ­advocacy hindi lamang para mag-fangirling, but instead,­ para makatulong na in honor of their Korean idol.

Ganito ang ginawa kamakailan lang ng Indonesian Airen ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi.

Pinadalhan kami ng la­rawan ng Indonesian Airen sa ginawa nilang outreach sa mga biktima ng Lombok earthquake. Tinamaan ng 7.0 magnitude earthquake ang ilang lugar sa Indonesia. Naramdaman din ito sa Bali pero ang sentro ay sa isla ng Lombok. Ilang daan ang namatay at libong pamilya ang nawalan ng bahay.

Personal na pumunta ang Indonesian Airen sa napinsala ng lindol at nagbigay ng mga donasyon.

Kuwento rin ng isa sa miyembro ng fan club ni Seung Gi sa naturang bansa na si Mery Chen, as early as now, nagpaplano na sila para sa birthday ng Hallyu Star sa January. Plano nilang mag-plant a trees project.

Minsan nang nakapag-fan meeting si Seung Gi sa Indonesia noong 2012. Right now, may petition silang ginagawa ngayon na muling bumalik at mag-fan meeting si Seung Gi sa Indonesia.

Samantala, ibang klase talaga ang pagiging busy ni Seung Gi. Halos limang araw lang ito nakapag-stay sa Los Angeles. Dumating noong Linggo at bumalik din noong Miyerkoles pa-Seoul. Nag-taping lang itong talaga ng kanyang SBS’ variety show na ‘All the Butlers’. Kung tutuusin,­ after his military enlistment and discharge, nga­yon na lang ito nakabalik ng America, pero hindi pa rin niya nakuha ang pagkakataon na makapagbakasyon kahit ilang araw.

Nagugulat nga ang lahat sa energy at sobrang kasipagan ni Seung Gi. Sobrang tinotoo o hinigitan pa niya ang expectation ng mga fan niya nang sabihin niya noong discharge that “they’ll get tired seeing him” dahil marami siyang gagawin talaga.

Sa ngayon, bukod sa hino-host na ‘Produce 48’ ng Mnet, ang variety show na ‘All the Butlers’, ginagawa rin niya ang pre-produced, big-budgeted na K-drama na ‘Vagabond’. Ipalalabas ito sa 2019.

Sa kabila ng lahat ng ito, tuwang-tuwa rin ang mga fan niya dahil si Seung Gi raw talaga ang artista na palaging iniisip ang kaligayahan ng mga fan niya.

Nag-post pa ito ng video sa kanyang official home­page na leeseunggi.com para lang sabihin na kasalukuyan itong ina­ayos, ina-update at muli raw siyang magpo-post ng video once it’s ready again. Nangako rin na palagi siyang magbi-visit sa homepage at magbabasa ng mga comments.

Sa video post din na ito ni Seung Gi mararamdaman kung gaano ito ka-excited at ka-confident sa ginagawang drama.

Aniya, “Since the drama will broadcast next year, you may think – what’s Lee Seung Gi’s doing? Many people may think I’m just playing since they don’t see me often. But I’m really busy filming and for an amazing drama next year, I’ll be thankful if you all would just wait a bit longer.”

Sa bansa naman, patuloy na sinusubaybayan ang kanyang K-drama na ‘Hwayugi’ sa ABS-CBN sa primetime pagkatapos ng Halik.