Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Indonesian sinagip ng PH Navy

0 70

Iniligtas ng Philippine Navy ang isang mangingisdang Indonesian na pitong araw nang palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Sarangani.

Sinabin sa pahayag ng Philippine Navy na naisagawa ang rescue operation noong Martes, Mayo 24, habang nagsasagawa ng gunnery exercises ang BRP Tarlac malapit sa timog-kanlurang bahagi ng Balut Island.

Unang nakatanggap umano ng distress call ang duty radioman mula sa Lite Boat Tanigue, isang 25-crew boat malapit sa kanilang kinaroroonan.

Dinala ang dayuhang mangingisda sa BRP Tarlac. Kinilala siyang si Kamuraan Ama, 50-anyos, na mula sa Miangas, Talaud, Indonesia.

Sinabi nito na pitong araw na siyang palutang-lutang sa karagatan dahil nasira ang makina ng kanyang barko nang matagpuan ng Lite Boat Tanigue.

Nakipag-ugnayan naman ang BRP Tarlac sa naval operations center Sa Naval Forces Eastern Mindanao at saka inatasan ang BRP Ismael Lomibao para dalhin ang mangingisda sa Taliak Point sa Maasim, Sarangani para maibigay sa mga awitoridad sa Indonesian Border Crossing Station sa Balut Island.

Pinakain muna ang mangingisda at sinuri kung may sakit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.