Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Indonesian suicide bomber ipapa-deport

0 153

Sasampahan ng Bureau of Immigration (BI) ng kasong deportasyon ang hinihinalang suicide bomber na isang Indonesian.

Si Resky Fantasya Rullie alyas Cici ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army’s 11th Infantry Division, Criminal Investigation and Detection Group 9, National Intelligence Coordinating Agency 9 at BI.

Ang Indonesian ay asawa ni Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader Andi Baso, na napatay sa isang sagupaan sa mga tropa ng gobyerno sa Sulu.

SM food to go Banner Ad

Si Rullie ay anak din ng mag-asawang Indonesian na sangkot noong Enero 2019 twin bombing sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo.

Ayon kay BI Intelligence Mindanao Task Group (MITG) head Melody Gonzales, si Rullie ay sinubaybayan ng ilang buwan at napag-alamang nagpaplano umano ng isang suicide bombing attempt sa Sulu bago ito maaresto.

Kasamang naaresto ng Indonesian sina Inda Nhur at Fatima Sandra Jimlani Jama, kapwa asawa ng mga ranking ASG members. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.