Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Industriya ng babuyan ‘papatayin‘ sa pork importation

0 201

Umapela ang 14 grupo sa agrikultura kay Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang sinusulong ng Department of Agriculture na damihan ang imported pork na papasok sa mas mababang taripa at ang pagbababa sa taripa ng baboy.

Giit ng grupo kung pinilay ng African Swine Fever ang local hog industry, tuluyan na itong papatayin kung ipapatupad ang sinusulong ng DA at hindi rin nito maipabababa ang presyo para sa mga tao.

“This action will not make pork more affordable for our countrymen, and it further cripples a hog industry that is already suffering from the DA’s mismanagement of the ASF outbreak. ASF has caused serious harm, Mr. President, but the proposals of the DA are fatal blows that could slowly kill the hog industry,” sabi nila.

“Double dead po ang sektor namin ‘pag natuloy ang mga proposals na ito, Mr. President,” dagdag nila.

Ang liham ay pinirmahan ng Samahang Industriya ng Agricultura, AGAP Party List, Agriculture Sector Alliance of the Philippines, ABONO Party List, National Federation of Hog Farmers Inc., Pork Producers Federation of the Philippines Inc., United Broiler Raisers Association, Philippine Maize Federation Inc., Philippine Veterinary Medical Association, Sorosoro Ibaba Development Coop., LIMCOMA MPC, Philippine Egg Board Association, Philippine Veterinary Drug Association, at Philippine Association of Feed Millers Inc.

Imbes na paramihin ang papasok na pork imports sa ilalim ng minimum access volume kung saan mas mababa ang pinapataw na taripa, mas makabubuti pang ipatupad ang batas na Republic Act 10611 na nag-uutos na idaan sa testing ang baboy at lahat ng karneng iaangkat sa bansa sa unang pinagdadaungan nito. Dagdag nila, maawat nito ang pagkalat ng ASF, COVID19 at iba pang mga nakahahawang sakit sa bansa.

Nanawagan din silang isailalim ang bansa sa state of calamity para maaring mailipat ng pamahalaan ang mga hindi nagagamit na pondo ng ibang ahensiya sa pag-aapula ng ASF at maiahon ang industriya na inaasahan ng milyong milyong Pilipino.

Sa taripang pinapataw sa kasalukuyan, tumitiba na ng P200 hanggang P250 per kilo ang mga importers at hindi nila kailangan ng karagdagang pabuya para maenganyo silang mag-angkat ng baboy. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.