Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Industriya ng paputok dapa sa pandemya

0 118

Aminado ang mga firecracker manufacturer na bumagsak din ang bilyong pisong halaga ng industriya ng paputok bunga ng pandemya.

Lubha umanong naapektuhan ang ndustriya ng paputok partikular sa bayan ng Bocaue na itinuturing na Firecrackers Capital ng bansa gayundin ang mga pagawaan ng paputok at firework design sa bayan ng Baliwag, San Rafael at Sta. Maria.

SM food to go Banner Ad

Ngunit umaasa ang ilang negosyanteng tataas ang bilang ng mga mamimili ng paputok sa huling apat na araw ng taon.

Nabatid na regular na nagsasagawa ng operasyon laban sa kolorum na pagawaan ng paputok ang Bulacan Police ngunit kumpirmadong ilang negosyante lamang ng paputok at pailaw ang namuhunan sa industriyang ito dahil inaasahan nilang malaking porsiyento ng mga mamimili ang hindi tatangkilikin ang paputok dahil sa pandemya at health protocol. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.