Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inflation lumobo sa taas-pasahe ng tricycle

0 276

Sirit ng pamasahe sa tricycle ang sinisisi ng pamahalaan sa pag-akyat ng inflation rate nung Hunyo sa 2.5%, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ang inflation ay sukatan ng bilis ng pagmahal ng presyo ng mga gastusin magmula sa pamasahe, kuryente, tubig, pagkain, load sa cellphone, tuition fee, yosi, alak, at iba pa.

Mas ramdam ng mahihirap ang pag-akyat ng inflation dahil wala silang sariling mga sasakyan kaya sila umaasa sa public transportation tulad ng mga bus at mga jeep para makarating sa trabaho. Sila rin ang mga nawalan ng pagkakakitaan nung nag-lockdown.

Ayon sa PSA, nasa 3% ang inflation para sa mahihirap nung Hunyo dahil sa pagmahal ng pamahasahe.

Dagdag pa nito, transportasyon ang nagpataas ng inflation rate sa mga mahihirap. Ang pasahe sa tricycle, lalo na, ay umakyat ng 4.8% nung Hunyo at hindi man lang ito pinagkagastusan nung Mayo.

Ayon sa PSA, apat na buwang magkakasunod bumagal ang inflation at ngayon lang ito ulit umakyat.

“The main source of the upward trend in June 2020 inflation was the annual increase in transport index,” sabi ni National Statistician and Civil Registrar Dennis S. Mapa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.