Abante Tonite Interactive

Information awareness pinatututukan ni Duterte

1,566

Kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na pinatututukan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang information awareness sa lahat ng sulok ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na 80% ng kanyang oras sa susu­nod na siyam na buwan ng kasalukuyang taon ay itutuon niya sa mga pro­binsya.

Ayon kay Andanar, gusto ng Pangulo na maipara­ting hanggang sa lahat ng sulok ng bansa ang mga ginagawang proyekto at programa ng pamahalaan para sa sambayanan.

Matatandaan na inilunsad ng PCOO noong Pebrero ang Information Offi­cer Convention kung saan nagsama-sama ang mahi­git sa 1,800 na mga information officer para ma-motivate ang mga ito sa pagpapaabot sa mga tamang impormasyon mula sa pamahalaan at para makontra ang paglaganap ng fake news.