Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Infrawatch: Utang ng NOW Telco desisyon na!

0 192

Nanawagan ang Infrawatch PH sa National Telecommunications Commission (NTC) na maghain ng motion for early resolution sa Supreme Court (SC) para matapos na umano ang isyu tungkol sa hindi binabayarang mga supervision and regulation fee (SRF) at spectrum user fee (SUF) ng NOW Telecom at magkaroon ang pamahalaan ng pondong magagastos sa paglaban sa epekto ng COVID-19.

Sabi ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon, kailangan ng pamahalaan ng maraming pera dahil bumagsak ang koleksyon nito ng buwis at lumaki ang gastusin dahil sa pandemya.

Siningil ng NTC ang Next Mobile Inc., na ngayon ay NOW Telecom na ang pangalan, ng P126.1 milyong SRF at P9.7 milyong SUF noon pang 2005.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Imbes na magbayad ay dinala ng NOW Telecom ang NTC sa korte kung saan natalo ito kaya’t tumakbo ito sa Court of Appeals. Muling natalo ang NOW Telecom noong kaya’t tumakbo naman ito sa SC.

“With the coronavirus reaching unprecedented levels, every agency’s contribution to the public coffers is a paramount obligation. With an immediate resolution of NOW’s appeal, government stands to gain an additional P2,566,410,944.99 (P2.56 billion) in fresh funds to address the pandemic,” ani Ridon.

Nagpadala ng sulat ang NTC sa NOW Telecom na pag-aari ng negosyanteng si Mel Velarde noong October 2020 para singilin ang P2.6 bilyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.