Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingat sa disgrasya ngayong Ghost Month

0 70

Mga ka-Misteryo dahil Ghost Month mag-Ingat tayong lahat sa disgrasya.

Kapapasok pa nga lang ng Ghost Month kaliwa’t kanan na ang disgrasya at may mga namatay na kaya babala ni Fengshui expert Hanz Cua mag-Ingat sa biyahe o kung saan kayo nagpupunta.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!”

Misteryo: “Marami palang aksidente. Maraming mamamatay kapag Ghost Month?”

Hanz Cua: “During Hungry Ghost month posible ang pagtaas ng mga krimen, aksidente, misfortune o kamalasan, at mga sudden death. Itong mga hungry ghost na ito ay narito para maghasik ng lagim ng mga kamalasan dahil gusto nila na ang mga taong nabubuhay ay maging hungry ghost at maging barkada nila.”

Misteryo: “Ano ba ang dapat nating iwasan kapag ghost month?”

Hanz Cua: “During ghost month iwasan ang major activity sa buhay natin. Ano ang major activity? Bagong bahay. Kapag naglipat-bahay na during ghost month ay guguluhin ng hungry ghosts ang bahay mo. Family members sa bahay baka magkaroon ng issues: away, gulo, conflict, walang pera, maraming issues kaya Ayaw natin yun.”

Misteryo: “Ano pa ang bawal sa ghost month?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanz Cua: “Bawal pumasok sa major contract. Bawal ang bagong negosyo. Bawal magpakasal kasi baka sulsulan ng hungry ghosts ang mag-asawa na mag-away. Iwasan natin ang surgery o pagpapa-opera pero may exemption to the rule dyan kapag emergency cases.”

Misteryo: “”Ano ang pwedeng gawin sa Ghost Month?”

Hanz Cua: “Dapat mag-alay tayo ng dasal. Prayers pa rin ang pinaka-importante sa Ghost Month. Hindi lang sa loved once natin kundi yung mga kaluluwang ligaw sa inyong lugar. Magpatugtog ng mantra o kaya magdasal ng rosaryo anuman ang religion niyo. Dapat maliwanag ang bahay lalu na sa gate sa pintuan pati mga lugar na bihirang gamitin. Mag-alay tayo ng mga pagkain.”

Misteryo: “Pwedeng mag-alay ng alak o beer?”

Hanz Cua: “Yes pwede kasi uhaw ang mga hungry ghost malungkot sila sa impiyerno kaya kapag nandito sila sa realm natin makaranas sila ng pagkalasing para maging Hapoy Ghost sila.”

Ilan yan sa mga napag-usapan natin sa programang Gabi Ng Misteryo tuwing Sabado alas-10-11PM sa DZRH. Panoorin din ang kabuuan ng programang ito sa ating YouTube channel https://youtu.be/p45Y0hGakNE.

Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.