Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingat sa Monkeypox virus

0 111

Hindi pa man ganap na nagpapaalam si COVID-19 virus pero mukhang nagtawag na siya ng resbak mula sa Africa–ang Monkeypox virus.

Hindi na nga puwedeng isnabin mga tropapips ang monkeypox dahil nagdeklara na ang World Health Organization (WHO) global health emergency tungkol sa virus na ito na ang akala ng marami ay galing sa unggoy.

Pero nang-u-unggoy lang ang mga nagsasabing galing sa unggoy ang virus ng monkeypox. Batay sa ulat ng Center for Disease Control o CDC ng Amerika, ang monkeypox virus ay galing sa daga.

Ang naturang virus ay mula raw pamilya ng mga virus gaya ng variola virus na nagdudulot ng smallpox, pero walang relasyon sa chickenpox. Oh diba?

Kung bakit naman naging monkeypox ang tawag sa kaniya gayung galing pala ito sa tropa ni “doding daga,” ang dahilan eh sa unggoy unang nakita ang virus noong 1958 sa Africa. At kung dati eh sa Africa nagkakaroon ng kaso nito, ngayon nga ay kumalat na maging sa ibang bansa, lalo na sa Europa.

Papaano naman kaya naipasa sa tao ang naturang virus? Ang mga hinala eh maaaring dahil tsinibog ng tao ang unggoy na infected ng virus. O kaya naman eh nakagat o nakalmot ng unggoy ang tao. Ang ibang mataba ang utak, malamang na mag-iisip na baka may taong nagparaos sa unggoy.

Kahit nagdeklara na ng global health emergency ang WHO tungkol sa monkeypox, sinasabi ng ilang eksperto na hindi naman ito magiging kasingtindi ng COVID-19 sa pagkalat. Hindi rin naman ito deadly pero may pagka-kadiri nga lang.

Sa ngayon, kahit 72 na bansa na ang may kaso ng monkeypox, lumalabas na ang kabuuang bilang pa lang ng kompirmadong kaso habang isinusulat natin ito ay nasa 16,000. May “marka” o palatandaan din sa katawan kapag tinamaan ng monkeypox ang isang tao.

Ang mga sintomas ng monkeypox ay lagnat, sakit ng ulo at katawan. At pagkaraan ng limang araw, magkakaroon ng pamumula o rashes sa mukha, kamay, at masusundan ng butlig-butlig na nagtutubig hanggang sa parang maging galis sa kamay at katawan.

Kaya yaki-kadiri ang virus na ito sa mga sossy. Pero paalala ng WHO, huwag magkaroon ng diskriminasyon sa mga tatamaan ng sakit na ito. Sa ngayon, lumilitaw mga tropapips batay sa ulat ng WHO na 98 porsiyento ng tinamaan ng virus ay mga beki o bisexual men. At malaking bilang sa kanila ay nagpunta raw sa mga sex-on-site venues gaya ng sex parties o sauna.

Hindi rin kasingbilis ng COVID makahawa ang monkeypox. Bagaman puwedeng maipasa sa “droplet” o talsik ng laway ang monkeypox, mas makahahawa raw ito sa “contact” o nagkadikit ang katawan o balat ng infected at nahawahan. Puwede rin kung nahigaan ang hinigaan ng taong infected lalo na siguro kung yung katas na nagtubig-tubig na “galis.”

Gaya ng COVID, malamang sa malamang ay makapasok din ang monkeypox sa atin. Sa ngayon, ang mga bansang malapit sa Pilipinas na may kaso ng monkeypox ay ang Thailand (1), South Korea (1), Singapore (6), at ang Taiwan (2).

Habang ang mga bansa naman mayroon mahigit 100 kaso ay Belgium (311); Brazil (592); Canada (681); France (1,567); Germany (2,268); Israel (105); Italy (407); Netherland (712); Nigeria (101); Peru (143); Portugal (588); Spain (3,125); Switzerland (216); UK (2,208); US (2,890), at kumakaway ang Austria (99).

Sabi ng Department of Health, ready sila sa monkeypox. Aba’y siyempre naman, engot na lang ang aamin na hindi sila ready. Pero kahit sinasabi sa ulat ng WHO na mga beki ang halos tinatamaan ng monkeypox, aba’y dapat pa rin mag-ingat ang lahat. Laging Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Leave A Reply

Your email address will not be published.