Abante Tonite Interactive

Ingat sa paggamit ng LPG!

Para makaiwas sa sunog

339

Hinihikayat at pinaaalala­hanan ang lahat na hindi maaa­ring gamitin sa loob ng bahay ang mga maliliit na tangke ng LPG o ang 2.7 kilogram cylinders.

Kadalasan umanong nagmumula ang pagsabog sa mga kulob na lugar kaya may kasamang etiketa ang tangke na ‘For Outdoor Use Only’ at bawal sa bahay. Layunin nito na maiwasan ang sunog na kinasasangkutan ng mga natu­rang tangke.
Base sa inilabas na kautusan, inaatasan ang mga manufacturer at retai­ler na lagyan ng marking na ‘For Outdoor Use Only’ ang bawat unit ng Shine Gaz, Petron Gasulette, Superkalan, at Powerkalan bilang magsilbing babala sa mga consumer ang marka na hindi dapat gamitin sa loob ng bahay ang produkto.

Para sa mga mayroong maliit na tangke diyan, mabuting iwasan ang paggamit nito kung hindi man ay sundin ang nararapat na para ito sa labas ng bahay dahil kapag nasa kulob na lugar ang ginagamit na LPG ay maaaring mamuo ang vapor na posibleng magresulta ng pagsabog o sunog.

Kabilang pa rito ang kawalan ng pressure relief valve o PRV at regulator ng 2.7 kilograms na LPG cy­linder at mas malaki ang tsansang magkaroon ito ng leakage kumpara sa regular na LPG tank na ginagamit sa bahay.
Kaya naman, payo para sa lahat na mabuti na ang may alam, ingat sa paggamit ng LPG.