Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingles kasi: Joshua palpak sa eksena

0 138

NI: ARCHIE LIAO

Pagdating sa pag-arte, walang duda na si Joshua Garcia ang maituturing na angat sa kanyang mga kakontemporaryo at maging sa kanyang henerasyon.

Speaking of film projects, minus Julia, inspirado na naman ang actor dahil dalawa ang bagong proyekto niya sa Kapamilya network.

Bukod sa Darna, kasama rin siya sa Viral Scandal na pinagbibidahan ng MMFF Best actress na si Charlie Dizon.

But what is this that we heard? Inabot daw ng ilang takes ang ilang mga eksena niya sa nasabing socially relevant series.

Nagkabuckle-buckle raw kasi ito sa delivery ng kanyang dialogue dahil bukod sa halos na-nosebleed ito sa English lines niya ay na-conscious daw ito sa kanyang diction.

Sa isang panayam, inamin naman ng actor na nahirapan siya sa pagsasalita ng Ingles para sa kanyang new series kung saan ginagampanan niya ang role ng isang young professional.

“Sobrang challenging nitong character na ‘to para sa akin. Especially dahil hindi ako gano’n ka-fluent sa English. ‘Yung script no’ng inaaral ko siya sobrang hirap at ang hahaba ng mga linya, puro English siya. Continuous na nag-aaral pa rin ng English, ‘yung mga diction. Nagbasa-basa ako ng mga libro,” pagtatapat ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.