Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingles kumumpas, Jazz inutas Grizzlies

0 172

Nangapitbahay si Utah Jazz forward Joe Ingles sa laro nila sa 74th NBA 2019-2020 nitong Miyerkoles sa Orlando bubble.

Sa isang timeout kulang 4 ½ minutes pa sa third quarter, nakita si Ingles na nakisali sa huddle ng Memphis Grizzlies. Sinampayan pa niya ng magkabilang braso sina Dillon Books at Grayson Allen. Sandali lang ang video, bago na-cut ay mukhang napansin ni Gorgui Dieng ang intruder.

“Joe Ingles makes himself at home in the Grizzlies’ huddle,” caption ng ESPN Australia & New Zealand.

Nag-espiya o naligaw?

Sa kabila ng kalokohan, umiskor si Ingles ng 25 points – 12 sa fourth – para giyahan ang Jazz sa 124-115 win. Ibinaon ng Australian ang anim sa 18 made 3s ng Jazz, may 4 rebounds at 5 assists pa.

Nag-ambag si Mike Conley ng 23 points, 5 rebounds at 7 assists, may 21 markers, 16 boards at 3 blocks si Rudy Gobert. Maangas ding 18 points, 7 rebounds at 6 assists ang dineliver ni Donovan Mitchell.

Sampa ang Utah sa Jazz sa 43-25 win-loss record, 2-2 sa seeding round at nakaungos sa Houston Rockets (42-25) sa fourth spot ng Western Conference standings, habang 0-4 ang Memphis na sumalampak sa 32-37. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.