Abante Tonite Interactive

Ingles ‘sugatan’ lalong ginanahan

By
154

Kahit ang putok na mata at ang pisikal na laro ng Memphis Grizz­lies, hindi napigil si Joe Ingles para bitbitin ang Utah Jazz sa 96-88 panalo Lunes nang gabi.

Tumapos si Ingles ng team-high 19 points at apat na tahi sa itaas ng kaliwang mata. Nagdagdag si Rudy Go­bert ng 15 points at 16 rebounds sa Utah at naiganti ng Jazz ang dalawang home losses sa Grizzlies.

“I ain’t coming back. I’m not coming back,” nakatawang sagot ni Ingles nang matanong tungkol sa Memphis. “My shoulder’s sore, my toes, everything. They played hard. The way we play, the way they play, it’s always going to kind of gritty and tough.”

Low scoring ang laro, masagwa ang shoo­ting ng magkatunggali at maraming error sa magkabilang dulo ng court. Napuwersa sa 15 turnovers ang Jazz, 4 for 24 lang sa labas ng arc ang Grizzlies at may 16 miscues.
May tinawag pang 53 fouls combined.

Namuno sa Memphis ang 24 points ni Mike Conley, nagdagdag si Marc Gasol ng 16.

Wala pang isang buwan sa season ay dalawang beses nang tinalo ng Grizzlies ang Jazz sa Utah – 92-84 noong Oct. 22, at 110-100 noong Nov. 2. Sa March 8 na muling magtatagpo ang dalawa.

Limang beses nagtabla ang iskor at apat na beses nagpalitan sa trangko sa first 7 minutes ng third. Kumalas ang Jazz sa final six minutes sa bisa ng 14-5 run, walo rito mula kay Gobert na naglayo sa Utah sa 11.

Sa isang defensive drive, tinamaan ni MarShon Brooks ang naka-tape na daliri ni Ingles. Sa 3:36 mark ng fourth, tumama ang braso ni Brooks sa itaas ng mata ni Ingles at agad umagos ang dugo sa mukha nito.

Tinigil ang laro, dalawang beses nagkaroon ng timeout (isang official at isa sa Jazz) para maampat ang pagdurugo. Bumalik si Ingles na may bandage sa ulo, pero siya pa ang nagselyo sa panalo nang subuan ng alley-oop si Gobert bago pinakawalan ang dagger-3 sa final minute.