Abante Tonite Interactive

Ingram balik-Lakers

By
0 164

May sequel ang feel-good story ng Los Angeles Lakers kay Andre Ingram noong nakaraang season.

Napaulat na babalik ang dating Highland Springs High School standout sa Lakers matapos bigyan ng 10-day contract.

Bida ang 33-anyos na si Ingram sa isa sa mga positive stories noong 2018 nang tawagin ng Lakers para sa 10-day deal din. Bago ‘yun ay higit isang dekadang natengga si Ingram sa G-League, ang developmental league ng NBA.

Matagal na niyang pangarap maglaro sa NBA, pero mailap ang pagkakataon hanggang tapikin ng Lakers.

Sa kanyang NBA debut, umiskor si Ingram ng 19 points – fourth-best debut sa kasaysayan ng Lakers. May 3 blocks pa siya.

Sa panibagong call-up, makakasama na raw si Ingram sa Chicago ngayon bahagi ng five-game road trip ng LA.

Kulang sa tao ang Lakers, mas malaki ang posibilidad na out na buong season sina Lonzo Ball at Brandon Ingram.