Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingram ‘di bet ni James sa Most Improved Player

0 117

HINDI lang sa resulta ng MVP balloting buwisit si four-time Most Valuable Player LeBron James ng Los Angeles Lakers.

Maging sa napiling Most Improved Player na si Brandon Ingram, hindi kumbinsido ang ‘The King’.

“The voting scale is a little weird to me…I don’t know how much really were watching the game of basketball or are we just in the narration mode, the narrative,” sey ni James mula sa post ni Ben Golliver sa HoopsHype.com.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Did you see the votes that Devonte Graham got (for Most Improved)? He averaged 4 points last year compared to 17.5. If that’s not improving, what is?”

Ang nahirang na 2020 NBA Most Improved Player ay si Ingram ng New Orleans Pelicans.

Una nang nairita ang three-time NBA champion sa resulta ng MVP voting kung saan ay pumangalawa lang siya kay back-to-back winner Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Apat na beses nang tumapos ng second place lang sa MVP race si James sa kanyang career. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.