Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingram, Pelicans dinagit Raptors

0 104

Sumandal ang New Orleans Pelicans kina Brandon Ingram at Eric Bledsoe upang tukain ang Toronto 120-116 sa mainit na 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season game sa Smoothie King Center sa Louisiana nitong Linggo (Manila time).

Bumida sa scoring ng Pelicans si forward Ingram na nagtala ng 31 points, kalkip ang six rebounds at four assists habang may double-double performance din si guard Bledsoe na 19 markers, 10 feeds, at five boards.

Sa huling 42.6 segundo ng laban, napalamang ni Bledsoe ang ang Pelicans sa isang 24-foot three-point jumper mula sa assist ni guard Lonzo Ball 116-113 patungo sa 4-2 win-loss record at ilagak ang kalaban sa 1-4.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“The thing I like the best is our resilience,” sambit ni Pelicans coach Stan Van Gundy. “It’s not easy to give up a double-digit lead with (8:30) to go and then go behind. A lot of teams sort of fade away at that point.”

Nag-ambag rin sa panalo ng Pelicans sina foward Zion Williamson na umiskor ng 21 points, Steve Adams at Ball na may 13 markers each.

Sunod na makakatapat ng Pelicans ang Indiana Pacers sa Martes (Manila time) simula sa alas-9:00 nang umaga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.