Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingram, Pelicans tinabunan Lakers

0 400

Bilang parangal sa namayapang si Elgin Baylor, ginamit ng Lakers ang city edition jerseys na dinisenyo para sa Hall of Famer kontra New Orleans nitong Martes.

Kaya lang, hindi umubra para makakuha ng panalo sa pangalawang laro na wala si LeBron James (high ankle sprain) at 15th absent ni Anthony Davis (right calf strain).

Sadsad ang Los Angeles 128-111 sa Pelicans sa 75th NBA regular season game sa Smoothie King Center sa Louisiana.

Start to finish na naghabol ang Lakers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Namuno sa New Orleans ang season-high 36 points ni Brandon Ingram at 27 points, 9 rebounds at 5 assists ni Zion Williamson sa pag-akyat ng team sa 19-24 win-loss mark at hinila ang biktima sa 28-16.

Naging unang player na mas bata sa 21 ang 20-anyos na si Williamson na umiskor ng 20 o higit pa sa 21 sunod na laro.

Pagkatapos ng third quarter, milya-milya na sa unahan ang Pelicans 102-76.

May 18 points off the bench si Montrezl Harrell sa LA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.