Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ingram tinapos iyak ng Pelicans

0 174

Bumalik si Brandon Ingram mula pitong larong pagliban at kinalsuhan ng New Orleans Pelicans ang nine-game losing streak sa bisa ng 112-101 panalo kontra Memphis Grizzlies sa 2021-22 NBA regular season game sa Smoothie King Center sa Louisiana Sabado ng gabi.

Umiskor si Nickeil Alexander-Walker ng 21, sinegundahan ni Ingram ng 19.

May 17 points pa si Herb Jones at tig-15 kina Jonas Valanciunas at Devonte Graham sa Pelicans. Namigay ng career-high 11 assists si Josh Hart sa pag-akyat bahagya ng winning team sa 2-12 at hilain ang biktima sa 6-7.

Hindi umubra ang 23 points ni Dillon Brooks at halos triple-double na 22 points, 9 rebounds at 10 assists ni Ja Morant sa Memphis.

Inalat sa 38 of 88 shooting sa floor at 8 for 24 sa 3s ang tropa.

Sa kabila, suwabe ang ball movement ng New Orleans na namigay ng 29 assists sa 38 made baskets.

“It was just taking the right shots at the right time and making sure I’m getting my teammates the ball and making sure we get the best shot for the team,” ani Ingram, galing pahinga mula right hip contusion. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.