Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inhinyero nagnakaw sa ATM

0 135

Dinakip ng Cavite police ang isang 26-anyos na inhinyero na sinasabing nagnakaw mula sa automated teller machine (ATM) na kanyang sineserbisyuhan sa Trece Martires City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Nicko O’neal Estrella, binata, isang field engineer at residente ng Naic, Cavite na nireklamo ng Brinks Philippines Incorporated.

Sa ulat ni P/SSg. Eduardo Reyes ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-singko kamakalawa ng hapon nang arestuhin ang suspek sa loob ng Provincial Capitol sa Barangay San Agustin.

Bago ito, nagsagawa umano ng surveillance ang kompanya hinggil sa bintang sa suspek, na empleyado ng Diebold Nixdorf at second-line maintenance sa ATM ng Land Bank of the Philippines (LBP), na nagnanakaw ng pera sa nasabing ATM.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinontrata ng LBP ang Brinks na in-charge sa servicing at replenishment ng ATM at sa cash-in transit.

Bago ang insidente, dakong alas-otso ng umaga nalaman nila na magre-repair ang suspek sa extractor ng ATM sa Kapitolyo ng Trece Martires City.

Binantayan si Estrella ng mga tauhan ng Brinks malapit sa Kapitolyo hanggang sa binuksan ng nauna ang vault ng ATM, tinanggal ang extractor at tinangay umano ang cash na laman nito, saka muling ibinalik ang extractor at isinara ang ATM bago niya sinuri kung gumagana ito.

Sa puntong ito ay kinompronta ang suspek at inaresto ng kapulisan. Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang P12,000 cash na mula umano sa ATM. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.