Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inigo aprub sa relasyong Maris, Rico

0 353

NI: ARCHIE LIAO

Nakapanayam sa Youtube channel ng Cinema One si Iñigo Pascual tungkol sa kanilang love team ni Maris Racal na Marñigo.

Naurirat sa kanya ang umanoý pagkakamabutihan ng kanyang dating love team partner at Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Ani Inigo, wala na raw silang masyadong komunikasyon ni Maris.

Gayunpaman, kung totoo raw ang balita na may relasyon na ang mga ito, masaya siya para sa dalawa.

SM food to go Banner Ad

“Kung ano man ‘yung balita, siguro we should all just be happy for them if they are together, kasi love is love, and it’s a beautiful thing. And there’s so many people na in love na ganun din ‘yung sitwasyon so if ever man, let’s be happy for them, wishing them all the best,”aniya.

Katunayan, big fan daw siya ni Rico Blanco at minsan, natotoka sa kanyang kantahin ang mga komposisyon nito.

“Noong loveteam kami ni Maris talagang as in pinapakanta sa akin ‘yung mga kanta ni Rico. So, with them being friends, and the fact na nagka-collab sila dati, sobrang supportive ako doon. Kino-congratulate ko siya dahil alam kong sobrang idol niya ‘yun,” paliwanag niya.

Wala namang sinabi ang anak ni Papa P. kung may nararamdaman siyang panghihinayang na hindi napunta sa iba ang singer-actress na minsang na-link sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.