Abante Tonite Interactive

Iñigo ‘di handa kay Maris

0 437

Matagal nang inamin nina Iñigo Pascual at Maris Racal ang pagkakaudlot ng kanilang pagtitinginan. Subalit sa “TWBA”, muli nilang sinagot ang dahilan at hinamon ng batikang host na si Boy Abunda na tanungin ang isa’t isa.

Tinanong ni Iñigo si Maris kung may sama pa ito ng loob sa kanya.

Pag-amin ni Maris, “Wala na Tito Boy.”

Samantala, tinanong naman ni Maris ang katambal kung bakit hindi natuloy ang sana’y relasyon nila.

Tanong ng aktres, “Hindi ka lang ba ready noon or ayaw mo lang talaga?”

Paliwanag naman ng aktor, “It broke my heart that it was the way it was. And I tell her that it makes me really sad. I’m in a situation wherein I’m thinking of my Mom. I’m her only son.”

Nilinaw rin ni Iñigo na ang amang si Piolo Pascual ang isa pang naging dahilan. Kakabalik lang umano niya sa bansa at nagsisimula pa lamang sila ng ama na makilala ang isa’t isa.

Hindi umano niya kayang pagsabayin ang dalawang tao na importate sa kanya. Sey niya, “It’s hard for me to jump into a relationship because I want to be able to give my time and the same amount of effort and the same amount of love that the other person is giving. And if I wasn’t able to give that I’d rather not start it in the first place.”

Sa tanong na hindi ba talaga siya ready o sadyang ayaw lang talaga niya, ang sagot ng aktor, “I wasn’t ready.” (Ronaline Avecilla)