Iñigo humingi ng tawad kay Maris

483

Hindi napigilan ni Maris Racal ang maging emosyonal nang humingi ng patawad sa kanya si Iñigo Pascual sa “Magandang Buhay”.

Matatandaang inamin ni Maris sa “Tonight With Boy Abunda” noong nakaraang Hunyo that Iñigo broke her heart at ito ang inihingi ng tawad ng young actor.

“I was heartbroken as well,” pahayag ni Iñigo.

Paliwanag ng young actor, noong time ng panayam ni Maris sa TWBA ay paalis na siya for the States at medyo magulo raw talaga ang mga bagay-bagay.

“Before she was in TWBA, she was actually messaging me saying good luck and congratulations, because that was two days after I left for the States.

“At that time, medyo magulo pa nga ‘yung mga bagay bagay between the two of us, but we were able to talk about it and I’m glad of the things (as) the way they are right now,” sey ni Iñigo.

At any rate, nakakabilib din naman ang young actor na nag-apologize publicly kay Maris.

“I’m just being grateful honestly for whatever we had, I wanna say sorry,” ani Iñigo.

“I mean we went through a lot together and I could never say (anything) bad about Maris no matter what happened. When people asked me anong nangyari, I always say handa siyang ibigay lahat and I just couldn’t do the same and that made me sad as well. It also made me really heartbroken to be honest,” sey pa ng binata ni Piolo Pascual.

Dito na naging emotional si Maris pero paliwanag niya, dahil daw ito sa music na pinatutugtog. Actually, kahit si Iñigo ay muntik na ring napaiyak at napigilan lang niya.

Ayon kay Maris ay naiintindihan naman daw niya ang sitwasyon ni Iñigo that time.

“Nakita ko rin na hirap din siyang magbigay kung anong kailangan sa relationship. Mas okay ‘yung choice niya, ‘yung career na pinili niya. Kasi hindi ba dream mo ‘yon na maging international (singer), makilala as a singer sa buong mundo and I’m very happy na pinili mo ‘yon actually. So walang bitterness,” sey ni Maris. (Vinia Vivar)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...