Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inigo kinabog si Darren

0 289

NI: ARCHIE LIAO

Sa batch ng young singers at ASAP performers ng Kapamilya network, unang hinangaan ang The Voice Kids finalist na si Darren Espanto.

Nang maimbitahan siyang mag-perform sa grand finals ng Singer 2019 sa China at magkaroon ng international collaborations, marami ang humulang he could establish a name for himself sa international scene.

Katunayan, nasubukan na rin niyang umarte dahil debut niya sa acting ang isang KathNiel movie.

Ngayon, pumasok naman ang pangabog ni Inigo Pascual dahil sa gitna ng kanyang pagiging low profile ay pumutok ang good news na pasok siya bilang isa sa lead cast ng multi-generational musical drama series na “Monarch”.

At huwag isnabin, no less than Academy award-winning actress na si Susan Sarandon ang makakasama niya.

Hopefully, this break could give Inigo more opportunities para mapansin globally sa kanyang musical and acting career para nga naman ma-prove niya na he is no shadow sa kanyang Papa Piolo.

As for Darren, marami ang abangers ang nagtatanong kung basta na lang daw ba ito pakakabog kay Inigo?

Leave A Reply

Your email address will not be published.