Iñigo mas may ‘K’ kumanta kesa kay Piolo

526

Muli na namang na-bash ng netizens si Iñigo Pascual.

May mga basher na iritado sa kanya dahil feeling nila sobrang mayabang daw umasta ang anak ni Papa P.

Sey pa nila, kaya raw hindi nagle-level up ang binata ay dahil anino lang daw ito ni Piolo. Kaya lang daw nagkaroon ng pangalan at koneksyon ay dahil na rin sa ama.

Marami naman ang nagtanggol kay Iñigo at sinabing hindi raw naman ginagamit nito ang impluwensiya ng ama para lang sumikat.

Sa katunayan, gumagawa na ito ng sariling pangalan sa international music scene.

Kumpara rin daw kay Papa P., hamak na mas magaling itong kumanta bagama’t hindi nito marating o mapantayan ang kasikatan ng ama. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...