Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inigo pinagdudahang anak ni Piolo

0 92

Ni: ARCHIE LIAO

First time naging panauhin ni Dr. Vicki Belo sa kanyang vlog ang singer at actor na si Inigo Pascual.

Sa naturang vlog, ibinahagi ni Inigo ang kanyang karanasan sa pakikipagtrabaho sa Hollywood actors sa musical drama na “Monarch.”

Sey ni Inigo, hanggang ngayon daw ay hindi siya makapaniwala na makaka-work niya ang Academy award winning actress na si Susan Sarandon na gumaganap na lola niya sa nasabing series.

Aminado rin siyang may stage fright siya pero sa tulong daw ng kanyang mga kasama sa cast ay na-overcome niya ito.

Nakatulong din daw na musikero siya kaya naka-relate siya sa tema ng nabanggit na musical.

Sa kanilang tsikahan, nagbalik-tanaw rin si Inigo sa early beginnings niya sa showbiz.

Madalas daw ay naikukumpara siya sa kanyang amang si Piolo Pascual lalo na’t marami na itong achievements at maipagmamalaki pagdating sa kanyang body of works.

Maging sa mga hitsura raw nila ay minsang may nagdududa kung magkamag-anak sila noon.

Naikuwento rin niya na noong nag-aaral pa siya ay madalas din siyang ma-bully dahil hindi makapaniwala noon ang kanyang classmates at maging principal na anak siya ng numero unong matinee idol ng kanyang kapanahunan.

Sey pa niya, may humahamon nga raw sa kanya noon na dalhin ang kanyang ama sa iskul para patunayang lehitimong ama niya si Piolo Pascual.

Si Inigo ay babalik sa Estados Unidos para sa promo tour ng kanyang TV series na mapapanood sa Fox.

Sa “Monarch”,ginagampanan niya ang papel ni Ace Greyson, isang 18-year old orphan na nangarap na maging country star tulad ng kanyang lolong kumandili sa kanya na binibigyang-buhay ni Trace Adkins.

Leave A Reply

Your email address will not be published.