Abante Tonite Interactive

Iñigo sasaksakin kapag nagbulakbol

477

Dahil si Piolo ang Ambassador ng AMA OED, napag-usapan din ang pag-aaral ng anak niyang si Iñigo Pascual na nasa kolehiyo na rin pero sa ngayon ay tumigil daw muna ito dahil nga nagtuloy-tuloy na ito sa showbiz.

“I made him take up Entrepreneurship and he had to stop because of work, but at least, he’s exposed already. I mean now, he wants to shift in music, which is his profession, it’s his field.

“At least, he was able to find out while he was in college. So now, he wants to shift to music, so at least, he’ll be able to use it.”

Sana nga raw ay mai-continue na ni Iñigo ang pag-aaral at pagbibiro ni Piolo, “kung ‘di, sasaksakin ko na siya.”

But what if magdesisyon si Iñigo na ‘wag nang ituloy ang pag-aaral?
“Ah no, it’s up to him, he’s at the right age, he’s 21. You know, for every parent, you want a degree, you want your children to graduate but for me, as long as he’s able to advance in life through his work and it’s fine, as long as he knows what he’s doing.”

Pero, aniya, kung may ma­ipapayo siya sa anak, “I would always encourage him to learn, to never stop learning. Even when you’re already a ­graduate or even when you’re old or you’ve got degree already, there are things that you can still learn in life.”

Temporary lang daw ang showbiz at mahirap daw na dito lang umasa. Kaya ang lagi raw niyang payo sa anak, huwag limitahan ang sarili.

Tonite – Wendys Inhouse Ad