Abante Tonite Interactive

Inigo, Singaporean artist Akasha sanib-pwersa sa bagong int’l single

0 313

Talaga namang patuloy ang paggawa ni Iñigo Pascual ng magagandang musika, lalo na sa paglulunsad ng bago niyang awitin na “Adios”, kasama ang Singaporean hip-hop/R&B artist na si Akasha.

Kababalik lang ni Iñigo mula sa kanyang tour noong isang buwan sa Amerika at Canada para sa kanyang international single na “Catching Feelings” at nito lang Hunyo, inilabas din niya ang kantang “Options” na title track ng kaabang-abang niyang LP.

Hindi na bago si Iñigo sa pakikipag-collaborate sa iba’t ibang artist. Nitong unang bahagi ng taon, nakipagsanib-puwersa naman siya sa Chinese-Australian singer na si Wengie para sa kantang “Mr. Nice Guy”.

Ayon kay Iñigo, marami na siyang natutunan sa pakikipag-collaborate sa mga musikero mula sa iba-ibang bansa. “‘Yung hindi mo lilimitahan ‘yung sarili mo sa iisang tunog, mag-expand saka mag-grow bilang artist saka hayaan mo ‘yung sarili mo na sumubok ng ibang bagay sa labas ng comfort zone mo.”

Ang “Adios” na binuo sa ilalim ng Star Music, ay tumatalakay sa pagtatapos ng isang masamang relasyon. Ibinibida ng kanta ang pamilyar na tunog-pop ni Iñigo, na mas lalo pang pinaganda ng indayog ng pagra-rap ni Akasha.

“Adios” is actually a single by Singaporean artist Zadon, it’s written in Mandarin tapos inisip namin kung paano mailo-localize sa Philippines so in-adapt ko ‘yung lyrics and we added a new part then dinagdag namin si Akasha who is talent na dine-develop ng Academy of Rock Singapore at naging perfect match sila for this project,” paliwanang ni Star Music audio content head Jonathan Manalo.

Ang papausbong na artist mula Singapore na si Akasha ay nagsimula bilang estudyante ng Academy of Rock, kung saan mas nahasa niya ang kanyang mga abilidad. Sa ngayon, isa na siya sa mga hinahangaang babaeng hip-hop/R&B artist sa Singapore na pinagsasama ang talento sa pag-awit at pagra-rap.

Iwanan na ang bad vibes at pakinggan ang “Adios” nina Iñigo at Akasha sa Spotify, Apple Music at iba pang digital stores. Panoorin din ang music video nito sa MYX sa YouTube channel ng Star Music. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph at i-follow ito sa Twitter at Instagram sa @StarMusicPH. (Roldan Castro)