Abante Tonite Interactive

Iñigo sinorpresa ang fan na may leukemia

By
302

Sinorpresa ni Iñigo Pascual at binisita sa ospital ang isa niyang fan na maysakit.

Hindi nga napigilang maiyak ng 15-year old na si Arnie Espina na maysakit na acute myeloid leukemia nang kantahan siya ni Iñigo ng hit song nitong ‘Dahil Sa ‘Yo’.

Naging memorable naman para kay Iñigo ang pagkikita nila ni Arnie. Masaya rin ang pop star na napaligaya niya ang kanyang fan.

Ipinost pa nga ni Inigo sa kanyang Instagram (@inigopascual) ang video clip nila ni Arnie kasama ang caption na — Arnie, binigyan mo ng bagong meaning ang kantang to.

Salamat sa inspirasyon Arnie. Ikaw ay isa sa mga taong nagpapaalala saking kung bakit ko ginagawa ang ginagawa ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakilala kita. Arnie, gaya ng sabi ng lyrics.

Magiging matapang tayo at lalaban tayo ah @arnieespina. I want to encourage young people to go out there and help anyone they can. Make people smile. It’ll give life a whole different mea­ning. When you are put in the position to reach out, use it. Appreciate life, appreciate the simple joys….”