Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inigo tameme sa ‘nude’ photo

0 299

Tumpak ang pananahimik ni Inigo Pascual, pati na rin ang kanyang pamunuan.Tama na huwag pumatol sa leaked photo na diumano ay ang batang Pascual ang bida.

Ang pagbulaga ng larawan sa social media na masisilayan ang pambihirang ari-arian na iningunguso ay ay sa singer-dancer at artista.

Sobrang stretched naman ang mga imahinasyon ng mga nagsasabing may bahid politika ang pasabog na ito. Kasi nga ang Papa Piolo ni young master Pascual ay inilahad kung sino ang sinsuportahan niya politically kaya anak nito ang ginantihan.

Sa mga kumukuda naman na hindi dapat i-objectify at i-sexualize ang binatang ang biggest song to date ay “Dahil Sa ‘Yo”, tama naman kayo sa opinyong iyan. Kaso, tanggap niyo rin na kaya lang naman ito pinag-usapan at pinagkaguluhan ay dahil anak ni Papa P ang involved .Hindi siya just one of those sampu-samperang male starlets na maliban sa photo scandals, eh ibinebenta ang kanilang jack-off at sexual congress videos with men and some women para pagkakitaan.

Lalaki si young master Pascual and in this Southeast Asian archipelago of ours na bonggang-bongga ang Latin fire at temperament, the fact na impressive ang penis size na nasa larawan, mas tumaas ang estrella ni Inigo.

SM food to go Banner Ad

Ang team boy borta at pamhinta, ang hamon ngayon kay Pascual ay mag-“penis reveal.” Eh kakasa ba naman si Inigo sa ganitong hamon? O, hahayaan na lang niyang siya ang maging bagong pantasya ng bayan? Naku young master Pascual, kasahan mo na ang hamon. After all, it is just a penis, you know.

Tony lilipad sa New York

Sa Lunes ang alis ni Tony Labrusca papunta sa New York para sa shooting ng “Asian Persuasion.” May cameo appearance si Labrusca sa film directorial debut ng Tony at Grammy winner Jhett Tolentino. All Asian American cast ang mga bibida sa pelikula na kasama ang nag-iisang si KC Concepcion..

Kuwento ni Tony: “Cameo lang ang role and I do not mind. Lalo na nga’t it will be my first time to be in New York. Siguradong I will be watching a musical on Broadway, top on my list is Wicked.”

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.