Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inihaw na ribs na may bayabas

0 208

Panahon na naman ng bayabas. Masarap itong ilagay sa sinigang. Pero masarap din pala ang bayabas kasama ng inihaw na pork ribs. Pampalasa at puwede ring salsa.

Mayaman sa Vitamin C ang bayabas. Mayroon din itong Vitamin A at B6 bukod pa sa magnesium, potassium, iron at calcium.

Sa ating gagawing inihaw na pork ribs na may bayabas, kailangan ng:

1 kilong pork ribs (slab o buo)

1 kutsarang olive oil

1/2 kutsaritang cayenne pepper

1 kutsaritang paprika

1 kutsaritang garlic powder

Asin at dinikdik na paminta

Cilantro leaves na pangdekorasyon

Para sa Guava Glaze

1 tasang guava jelly

3 kutsarang soy sauce

3 kutsarang Worcestershire sauce

1/4 tasang orange juice

3 kutsarang tubig

Ibabad ang pork ribs aa cayenne, paprika, garlic powder, asin at paminta sa loob ng 2 oras. Dapat ay nakalagay sa ref.

Ihanda na ang guava glaze sa pamamagitan ng paghahalo-halo sa mga ito sa isang maliit na sauce pan. Bahagyang pakuluin hanggang umunti ito ng mga 3/4.

Parikitan na ang pag-iihawan ng pork ribs. Ihawin ang magkabilang bahagi. Bago mo iahon, punasan ito ng guava glaze at ihawin pa ng mga isa o dalawang minuto.

Maaari ring maghanda ng salsang pinaghalong bayabas at papaya. Paghaluin lang ang 1 tasa ng papaya cubes at 1/2 tasa ng hiniwang bayabas na tinanggalan ng buto. Pigaan ng 1/2 lemon.

Ready na ang iyong Inihaw na Pork Ribs na may Bayabas!

Leave A Reply

Your email address will not be published.