Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inihaw ni Manang

0 386

Kahit hindi magkadugo, pamilya ang turing ng aking kaibigang si Cynthia Tortor sa tagapag-alaga ng kanilang anak na tinatawag nilang Manang. Sampung taon nang nag-aalaga sa kanyang anak si Tessie Macaya na ngayon ay 62 years old na. Tuwing weekend, nag-iihaw si Manang, na isang Ilongga, ng kanyang sariling timpla ng manok at liempo.

Nang magsimula ang lockdown noong isang taon dahil sa pandemya, nataranta si Cynthia at ang kanyang anak na si Niño dahil alam nilang maaapektuhan ang kanilang trabaho. Kapwa sila naglilingkod sa kumpanyang may kinalaman sa hotel at entertainment, kaya’t nag-isip sila ng alternatibong pagkakakitaan.

Doon nila naisip na simulan ang pagbebenta ng mga inihaw gamit ang timpla ni Manang. “Sabi ko kay Manang, mas masarap ang timpla niya kaysa sa iba. Kaya naisip kong i-share ang masarap na timpla ni Manang,” kuwento ni Cynthia.

Ipinatikim sa akin ni Cynthia ang kanilang inihaw na manok, liempo at isaw na may kasama pang libreng kimchi at atsara para sa mga bundle orders. Manamis-namis at juicy ang kanilang mga inihaw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mayroon din silang inihaw na bangus at tilapia, bbq, tenga at iba pa.

Kahit back to work na si Cynthia at kanyang anak, itinuloy pa rin nila ang kanilang inihaw business lalo na at marami na rin silang suki.

Tingnan ang kanilang FB page: Manang’s.

Isang munting trivia tungkol sa inihaw: alam n’yo bang ang pinagmulan ng pag-iihaw ng karne ay ang Arawak Tribe sa Caribbean at South America noong ika-17 siglo? Natuklasan ng mga historians na gumamit ang nga ito ng stick na nakaangat sa apoy at doon ipinatong ang karne. Ang tawag sa pamamaraan ng paglulutong ito ay Barbacoa. Nang makita ito ng mga Espanyol na mananakop, ginaya nila ito hanggang sa gumamit na ng mga panimpla at iba’t ibang kahoy na pang-ihaw para sa iba’t ibang lasa ng kanilang inihaw na karne.

Leave A Reply

Your email address will not be published.