Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inimport sa Netherlands P17M ecstasy bistado sa clark

0 329

Arestado ang limang drug personalities habang nasa P17 milyong halaga ng ecstacy tablet ang nasamsam sa magkasunod na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA III), Bureau of Customs – Port of Clark, PRO-3 Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at lokal na pulisya Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Katrina Legaspi alyas Charmaine Valencia Bacani, 36, dalaga, ng San Roque Dau 1st sa bayan ng Lubao; Joshua Bautista y Macabulos, 20, ng Maquiapo, Guagua, Pampanga; William Valencia, 41, ng San Roque,Dau 1st. Lubao, Pampanga; Raphy Quiboloy y Serrano, 30, ng Maquiapo, Gaugua, Pampanga; at Patrick Bagang y Pangan, 35, Sta. Cruz, Lubao, Pampanga.

Sa ulat, isang impormasyon ang natanggap ng PDEA 3 mula sa BOC-Port of Tarlac at PDEA Clark Interdiction Unit hinggil sa shipment ng libong piraso ng ecstasy tablet mula sa Netherlands at ang consignee nito ay si Joshua Bautista at parating ang parcel sa Lubao, Pampanga.

SM food to go Banner Ad

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang awtoridad sa Clark Freeport Zone kaya naharang ang kontrabando.

Unang ikinasa ang operasyon alas 8:20 ng gabi malapit sa Petron Gasoline station, Barangay San Roque Dau kung saan nakumpiska ang nasa 5,000 ecstacy tablet na nagkakahalagang P8.5 milyon.

Ika-8:38 naman ng gabi nang isagawa ang kasunod na drug operation sa Morzan Hardware sa nasabi ding barangay kung saan nakakuha ulit ng 5,000 ecstacy tablet ang operatiba na may halagang P8.5 milyon.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga suspek sa PDEA Region 3 detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso sa mga ito. Ang nasamsam na mga ecstasy tablet ay dinala sa crime laboratory para sa safekeeping. (Edwin Balasa/Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.