Abante Tonite Interactive

Inindyan ang negrong ka-chat

1,345

KAWAWA naman ‘yung sinasabi ni Jackie Lou na ka-chat daw niya na Black American na taga-US. May isang taon na rin niyang kakilala sa internet ‘yon hanggang sa magkasundo sila na mag-eyeball dito sa Pilipinas.

Actually, hindi naman si Jackie ang nagta-type ng English don sa foreigner kundi ang sister niya na col-lege student.

Mahina kasi sa English si Jackie at ‘di pa nakatapos ng high school. Gusto ni Jackie na maka­bingwit ng dayu­han para raw makaraos sa buhay tapos gano’n naman ang ginawa niya. Eto na nga, last week ang napagkasunduan nilang petsa nu’ng si Smith.

Duma­ting ‘yung si Smith sa airport at ‘di na nga niya napuntahan don pero ok lang daw. Tapos nag-text sa kanya na sa isang restaurant na lang daw sa Mall of Asia sila magkita.

Pinuntahan naman niya kasama ang isa pa niyang friend. Pero my God, ‘di na raw nila nila­pitan si Smith na naghihintay don sa table na parang tanga na. Bigla raw nanginig ang tuhod ni Jackie at sobrang ninerbyos daw siyang harapin ‘yung tao hanggang sa hinatak na lang daw niya ‘yung friend niya at lumayas na. Tawag daw nang tawag sa kanya si Smith pero dedma lang siya.

Nagalit na nga rin daw sa kanya ‘yung sinama niyang kaibigan at iniwan na rin siya sa inis. Kawawa talaga si Smith. Nagpunta na lang daw sa Boracay para magpalamig ng ulo. Siyempre galit na galit sa kanya.
Dina of Batangas City