Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inintriga kay Ellen: Akala ko ba gay ako-Derek

0 112

NI: VINIA VIVAR

Nilinaw ni Derek Ramsay na walang malisya ang mga kumalat na larawan at videos nila ni Ellen Adarna sa dinner party nila last Monday.

Si Derek mismo ang nag-host ng party na dinaluhan nga nina Ruffa Gutierrez (na siyang unang naglabas ng mga photo and video sa party), John Estrada at ilan pang kaibigan.

Sa paliwanag ni Derek sa PEP, best friend and kapitbahay niya si John Estrada na co-star ni Ellen sa bagong sitcom sa TV5. Nang malaman niyang malapit din sa lugar niya ang tirahan ng aktres, nagyaya siyang mag-host ng dinner para sa grupo. Kasama rin si Ruffa dahil kapitbahay niya rin ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Derek, hindi na raw niya naisip na magkakaroon ng intriga sa pagitan nila ni Ellen dahil sa mga larawang kumalat dahil nag-uusap lang naman daw sila ng aktres.

Hindi nga rin daw maintindihan ng aktor kung bakit lahat na lang ay inili-link sa kanya.

“Lahat na lang, may issue sa akin. Akala ko ba, ayoko na sa babae and I’m gay?” sey ni Derek

Nahihiya rin daw siya kina Pops Fernandez at Bea Alonzo na iniuugnay din sa kanya.

“Grabe na. Nakakahiya kay Pops na friend ng mom ko. Pati si Bea, binuntis ko raw. Ngayon naman, lalaki? Hindi ko na alam kung saan nanggagaling lahat ito. Napakatahimik kong tao. We’re all having fun,” he said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.