Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inisnab arraignment, ‘Bikoy’ pinaaaresto

0 35

Inutos ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 17 ang pag-aresto kay Peter Joemel Advin­cula alyas ‘Bikoy’, dahil sa pagkabigo nitong dumalo sa arraignment at prelimi­nary conference, kahapon ng umaga para sa kanyang kasong perjury.

Pinawalang-bisa rin ng korte ang piyansa ni Ad­vincula na inilagak noong Enero 2021 dahil sa hindi nito pagpunta sa korte sa kabila ng ipinadalang no­tice sa kanya. Dinoble rin ang naunang pinagkaloob na piyansa.

“Issue a warrant of ar­rest against him with bail; set double the amount of the previous bail posted by the accused,” saad pa sa order ni Presiding Judge Karla Funtila-Abugan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na itinakda ang P18,000 piyansa kay Advincula para sa arrest warrant na inisyu ng METC Branch 17 noong Enero.

Muling itinakda ng korte ang arraignment at preliminary conference ni Advincula sa kanyang perjury case sa Agosto 26, alas-8:30 ng umaga.

Magugunita na sinam­pahan ng kasong per­jury ng Department of Justice noong Enero 12 si Advincula kaugnay sa kanyang testimonya sa ‘Ang Totoong Narco List’ video series. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.