Abante Tonite Interactive

Inisplitan ng dyowa nagbigti

268

Tuluyan nang tinuldukan ng 44-anyos na binata na umano’y dating mental patient ang kanyang buhay nang magbigti ito dahil sa pag-iwan sa kanya ng nobya nito, Biyernes nang hapon sa Malabon City.

Nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto sa Barangay Longos si Eric nang makita ito ng kanyang ina alas-5:30 nang hapon.

Electrical wire ang ginamit ni Eric sa pagpapakamatay na itinali nito sa kisame.

Kuwento ng ina, pinuntahan niya sa kuwarto ang anak, ngunit laking gulat niya nang makita niyang nakabitin na ito.

Sinubukan pa nilang dalhin ang biktima sa pagamutan pero wala na itong buhay.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Joenel Ciano ng Station Investigation Unit ng Malabon Police, sinabi umano ng mga magulang ni Eric na dati na nilang ipinagamot sa National Center for Mental Hospital sa Mandaluyong City ang anak at gumaling na ito.

May nakarelasyon daw na babae ang biktima pero naghiwalay umano ang mga ito may ilang Linggo pa lamang ang nakararaan.

Dahil umano sa depresyon at kakaisip, bumalik ang dating sakit ni Eric hangang sa magpasyang magpatiwakal. (Orlan Linde)