Abante Tonite Interactive

Init ng Bolts itutuloy nina Caram, Durham

243

Tumatlong laro sa loob ng walong araw ang Meralco bago ang anim na araw na nagpahinga.

Babalik ang Bolts para harapin sa first game sa Smart Araneta Coliseum mamaya ang Rain or Shine.

Nasa No. 2 ang Meralco sa 8-2, sa likod ng kapareho ng kartadang NLEX. Ang Elasto Painters ay nasa 10th place sa 3-7, maghahabol ng panalo para umusad.

Kailangang abot-tainga ang ngiti ng suwerte sa RoS para umabante.
Ang Bolts ay nakasiguro na ng twice-to-beat edge sa next round.

Para humabol sa playoffs ang Rain or Shine, kailangan nilang manalo at manalangin na matalo ang 4-6 NorthPort sa Ginebra sa second game, at ipagpag din ng Road Warriors ang 4-6 Alaska sa pagtatapos ng elims sa Miyerkoles.

Kapag nagkaganun, magbubuhol sa 4-7 ang Painters, Aces, Batang Pier at Columbian Dyip, gitgitan sa 7th. Unang gagamitin ang quotient system para madetermina ang No. 7 at ang team na malalaglag sa 10th. Ang maiiwang dalawa ay dadaan sa one-game playoff para sa No. 8 at last slot sa quarters.

Pinakamainit na team sa kasalukuyan ang Meralco na nagtuhog ng five-game winning streak sa likod nina Allen Durham, Raymond Almazan, Chris Newsome at maging si Anjo Caram ay rumesponde nang hindi 100 percent si Baser Amer (groin).

Tumabo si Caram ng career-high 30 points nang kuryentehin ng Bolts ang Batang Pier 103-89 noong Nov. 10. (VE)