Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Init sa Dagupan umabot ng danger level – Pagasa

0 64

Nasa ‘danger level’ na ang ‘heat index’ sa Dagupan City, Pangasinan matapos umabot sa 50 degrees Celsius alas-5: 00 ng hapon nitong Sabado, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical, Services Administration.

Ipinaliwanag ng Pagasa ang heat index bilang “human discomfort index that gives the apparent temperature on what humans perceive or feel as the temperature (from the surroundings) affecting the body.”

Ang mga lugar na may heat index sa pagitan ng 42 degrees hanggang 51 degrees Celsius na ikinukunsiderang nasa “danger level” nitong April 30 ay ang Aparri, Cagayan na nakapagtala ng 46ºC bandang 5 p.m; Laoag City, Ilocos Norte – 44ºC at 2 p.m; Casiguran, Aurora – 42ºC at 2 p.m; Masbate City, Masbate – 42ºC at 1 p.m at sa NAIA, Pasay City na umabot sa 42ºC ang naitala dakong ala-1:00 ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Pagasa, mula March 1 hanggang April 30, ang may pinakamataas na heat index na kanilang nairekord ay ang Dagupan City na umabot sa 54ºC noong April 22 ng 2 p.m.

Nagbabala ang Pagasa na posibleng makaranas ng heat cramps o pulikat, madaling pagkahapo, at heat stroke ang mga naninirahan sa mga lugar na nasa ‘danger zone’ ng heat index. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.