Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iniwan ang showbiz: Julia type magpakaanak

0 282

Finally ay ibinunyag na rin ni Julia Montes ang dahilan kung bakit siya umalis patungong Germany noong 2018 at pansamantalang iwanan ang showbiz.

Sa kanyang recent exclusive interview for an online magazine, inamin niyang bago pa man daw niya gawin ang teleserye niyang Asintado ay gusto na raw niya talagang umalis patungong Germany para bisitahin ang German father niyang si Martin Schnittka.

“Before “Asintado,” gusto ko na (umalis). Sinasabi ko na, parang gusto kong puntahan si Papa. Parang gusto ko i-try lang ‘yung magpahinga lang du’n (sa Germany),” ani Julia.

Ang Asintado ang last teleserye ni Julia bago siya tumungo ng Germany kung saan ay matagal siyang nanatili. More than a year ding iniwanan ng aktres ang showbusiness at hindi gumawa ng proyekto.

Dagdag pa niya, that time ay gusto lang daw muna niyang magpakaanak.

“Ta’s ang joke ko, Gusto kong magpakaanak lang. ‘Yung ‘ di ako magwo-work, ta’s anak lang ako muna. And then ‘yun nga, after ‘Asintado,‘ sabi ko, parang gusto kong i-fill ‘yung missing years with Papa. Kasi ang tagal, eh. Hindi ko ine-expect na magkikita kami,” paliwanag pa niya.

Ikinuwento rin ng aktres na 21 years old na raw siya nang ma-meet niya ang ama sa pamamagitan ng isang CocoJul (tawag sa loveteam nila ni Coco Martin) fan. Nag-send daw ito isang larawan sa kanya and asked kung ito ang ama niya.

“Sabi ko, ‘Hindi ko alam kung Papa ko nga ‘yun,’ pero may feeling ka na na ‘yung sinasabi na ‘nilulukso ng dugo’. May kaba na ako, may–may… Kung ano-ano na ‘yung nararamdaman ko! Parang ang dami ko nang naiisip. And then after nu’n, sinend ko kay Mama. Sabi ko, ‘Mama, ito ba si Papa?” Sabi niya, ’S’an mo nakuha ‘yan?’ Sabi ko, ‘Oh, my gosh, confirmed! Kasi lumaki ako na hindi sa ‘kin sinabi ‘yung real story, e,” kwento ni Julia.

Ang nasabing pagtungo ng aktres sa Germany ay lumikha ng malaking kontrobersiya dahil dito na nga nagsimulang matsismis na preggy siya at si Coco ang ama. Matagal na naging issue ito dahil nga matagal din siyang nawala at sari-saring espekulasyon ang lumabas.

It’s just ironic na kaya siya nagtungo sa Germany ay dahil gusto niyang magpakaanak pero sa halip, ang naging tsismis ay siya ang nagkaanak.

SM food to go Banner Ad
Faye pantasya ng mga yakman

Isa si Faye Lorenzo sa pinaka-hot na sexy comediennes natin ngayon at sinasabi ngang isa siya sa pampahatak ng viewers ng Bubble Gang.

Hindi nga raw nagkamali ang GMA-7 kay Faye sa pagpili rito para maging mainstay ng show at gawing sexy comedienne in the tradition of Maureen Larrazabal, Ara Mina, Ellen Adarna and Kim Domingo na pawang pinasikat ng nasabing show.

Dahil sa nasabing gag show, pantasya na si Faye ng mga kalalakihan especially ang mga mahihilig sa girls o yakman. Sinasabi ring siya ang next Kim Domingo.

Sa mga hindi nakakaalam, si Faye ang may hawak ng record na “most viewed Bubble Gang video of all time” kung saan, ang eksena nila ni Archie Alemania na Imaginary Son ay umaabot na sa 43 million ang views at patuloy pang tumataas.

Hit na hit din sa Instagram si Faye na sa ngayon ay may 749,000 followers. Ang tataas ng likes ng kanyang mga photos and videos na ipino-post, patunay na talagang love na love siya ng mga fan.

At sa mga boys na interesadong malaman kung ano ang mga qualities na gusto ni Faye sa isang lalaki, ayon sa sexy comedienne ay number one daw sa kanya ang ugali.

“Bonus na lang din siguro ‘yung hitsura, pero more on sa ‘kin talaga ‘yung ugali eh, ‘yung kung paano ka itrato. As in minsan ako, tinitingnan ko talaga kung paano siya mag-treat, paano niya kausapin ‘yung magulang niya, ‘yung parents niya para makita ko kung ano talaga ang ugali niya,” pahayag ni Faye in one of her recent interviews.

Pero sa pisikal na katangian, unang-una raw niyang napapansin sa guy ay kung maganda ang mata at ngipin nito. At higit sa lahat, siyempre, gusto raw niya ay may malinis na paa at walang amoy.

“Siyempre ayoko rin ng mabahong paa, gusto ko malinis din ang paa,” natatawang sabi ni Faye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.