Abante Tonite Interactive

Iniwan ng dyowa napraning

845

Hello there. This is Chona of Kamuning, Quezon City. Would you believe na mayroon akong friend na nag-iba na ang istura dahil sa lalaki?

Yes, only because of a guy. Well, sometimes I cannot blame Sarah because her boyfriend is a real buff. Ha ha malas lang niya dahil biglang nag-disappear si Jake. Siguro nakidnap na ng mga bading, ewan. Varsity player sa school nila ‘yun dati at noon pa ay sila na. Only a few months after graduation ay hindi na sila nagkita ni Jake. Wala naman silang formal breakup. Basta ganu’n lang, bigla na lang nawala ‘yung guy. Hindi ko lang alam kung totoo ‘yung balita na nag-abroad na ‘yun. Blangko si Sarah sa whereabouts ni Jake. ‘Yun namang relatives ni Jake, ‘di naman nakikipag-usap sa kanya. Katwiran nila, huwag nang hanapin si Jake dahil ok naman daw ‘yung tao. Isa pa, tingin ko ay hindi naman sila boto kay Sarah. Maganda naman si Sarah, makinis at dating cheerleader namin sa school. Pero I guess, mas maganda pa rin ako sa kanya. Konti lang sana ang lamang ko sa friend ko pero mula nga nu’ng mawala si Jake sa kanya eh ang laki na ng diperensya ng istura naming da­lawa. Mukha na siyang alalay ko! Paano ba naman, madalas atupagin ang pag-inom sa mga bar at pagha-hanap kay Jake.

Mukha na siyang lukaret sa ginagawa niya. Ayaw namang makinig sakin. Talagang apektado siya sa nawala niyang yummy boyfriend. Haist, kawawa naman siya, but I sympathize.

Thanks that all,
Chona