Abante Tonite Interactive

Iniwan ng mga kapatid, pupil nagbigti

368

Isang 11-anyos na Grade 5 pupil na babae ang umano’y nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang kanyang pajama sa loob ng kayang silid sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ngunit ayon kay Gonzaga Police Station (GPS) investigator P/Cpl.

JynniJohn Somera, hinihintay na nila ang autopsy report ng Cagayan police-Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang malaman kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ni Rose (hindi tunay na pangalan).

Lumitaw sa imbestigasyon na iniwan ng kanyang mga kapatid ang biktima sa kanilang silid na nagtutupi ng mga damit para maglaro.

Subalit pagbalik ng isa sa kanyang kapatid ay nakita niyang nakabitin na ang biktima sa kanilang kisame gamit ang kanyang pajama.

Agad namang humingi ng saklolo ang magkakapatid at isinugod sa ospital si Rose ngunit siya ay nalagutan ng hininga bago dumating ng pagamutan, ayon sa mga doktor.

(Allan Bergonia)