Abante Tonite Interactive

Iniwan ni inay, sanggol patay sa sunog

151

Patay ang isang sanggol na lalaki matapos itong iwan ng kanyang ina habang natutulog ang biktima sa kanilang bahay na naabo naman sa naganap na sunog Miyerkoles nang gabi sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang nasa­wing baby na si Andrei Bronosa. Ito ay natagpuan ng mga bumbero sa loob ng kanilang bahay matapos na mapatay ang apoy.

Naganap ang sunog alas-8:22 nang gabi sa bahay ng mag-ina sa Masipag St., Riverside 2 Brgy. Sto. Domingo.

Bago ang insidente, pansamantalang iniwan ng nanay ang natutulog na
Biktima dahil may pinuntahan saglit.

Makalipas ang ilang minuto ay laking gulat na lang ng nanay ng biktima nang datnang nasusunog na ang kanilang bahay pagbalik nito.

Mabilis namang nakaresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Cainta at agad inapula ang apoy upang maisalba ang biktima.

Bagama’t nakontrol ang apoy ganap na alas-8:44 nang gabi ay natagpuan nilang patay na ang sanggol.

Inaalam pa ng BFP Cainta ang pinagmulan ng apoy, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang natupok. ­(Edwin Balasa)