Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iniwan ni misis, tatay ginawang sex slave ang anak

0 207

Arestado ang isang 44-anyos na lalaki matapos gawing sex slave ang kanyang 11-anyos na anak nang iwanan ng kanyang misis, kamakalawa sa Sta. Ana, Maynila.

Nasa kostudiya na ng Manila Police District-Police Station 6 ang suspek na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Roy Gironella, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 43 ng Manila.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Rape ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault ng Republic Act 7610.

Ayon kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., Station Commander ng MPD-PS 6, alas-11:30 ng gabi nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek sa Sta. Ana.

Sa rekord ng pulisya, may isang taon nang hinahalay ng suspek ang anak na babae na pangalawa sa panganay.

Nagsimula umano ang kalbaryo ng dalagita nang iwanan at hiwalayan ang suspek ng kanyang misis noong 2020.

Inamin rin ng suspek na lulong siya sa shabu pero itinanggi nito na pinagbabantaan ang anak kundi sinasabihan lamang umano ang bata sinasabi na huwag magsusumbong sa rape kahit kanino dahil ayaw niyang makulong.

Nalaman umano ng misis ng suspek ang ginagawa sa anak nang magsumbong ang bata nang dalawin, kaya humingi ng tulong sa pulisya para maaresto ang suspek. (Juliet­ de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.