Abante Tonite Interactive

Iniwan ni misis uminom ng silver cleaner

1,526

Patay ang isang street sweeper nang uminom ng silver cleaner matapos na iwanan ng kanyang misis, kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Donald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-11:30 nang tanghali ng madiskubreng patay na si Marcelo Aguirre habang nakalugmok sa isang sidecar sa panulukan ng Tomas Pinpin at Carvajal Sts., sa Binondo.

Natagpuan sa tabi ng kanyang bangkay ang isang liham kung saan ay nakasaad ang “Claire hahanapin ko ang mama niyo”.
Sa kuwento ng tricycle driver na si Rodel Baez, may tatlong taon na silang magkakilala ng namatay at tambay ito sa kanilang terminal.

Napag-alaman na may tatlong anak umano si Aguirre at iniwan ito ng kanyang misis dahilan kung bakit madalas na tulala at hindi halos nakakausap si Aguirre.